Friday, November 22, 2024

HomeEntertainmentCulture4th ‘Halad kay Kang-laon’ gaganapin sa Bago City, Negros Occidental

4th ‘Halad kay Kang-laon’ gaganapin sa Bago City, Negros Occidental

Bago City, Negros Occidental- Gaganapin ang ika-apat na selebrasyon ng Halad Kay Kang-Laon (Mount Kanlaon Natural Park (MKNP) Festival) sa Bago City simula noong Agosto 9 hanggang Agosto 11, 2022.

Ang tatlong araw na selebrasyon ay sinalihan ng limang miyembrong Local Government Units (LGUs) kabilang na ang La Carlota City, La Castellana, San Carlos City at Murcia sa Negros Occidental, at Canlaon City sa Negros Oriental.

Ayon kay Mae Ann Furtos, Senior Tourism Operations Officer ng Bago City, katuwang sa naturang selebrasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Protected Area Management Board (PAMB), kabilang ang iba pang mga stakeholders, na may layuning patuloy na pangalagaan at isulong ang ecotourism ng naturang natural park.

Kabilang din sa layunin ng selebrasyon na gisingin ang kamalayan ng komunidad lalo na sa pangangalaga at konserbasyon ng inang kalikasan lalo na ang Mount Kanlaon Natural Park (MKNP), na siyang tinaguriang last frontier of the Negros Forest.

Kabilang sa mga itatampok ang Trade Fair Agri-Booth Competition na gaganapin sa Bantayan Park ng nasabing lungsod at pangungunahan ni Bago City Mayor Nicholas Yulo, at iba pang mga local officials.

Mayroon ding Diwata kag Suta sang Kanlaon 2022, Earth Concert and Fellowship Night, Mountain Bike (MTB) Challenge; Tree Growing Activity; Super-sized Canvas Painting and Body Painting Contest; at Creative Dance Contest.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe