Sunday, October 6, 2024

HomeNews54 anyos na lalaki, nagbigti sa Jiabong, Samar

54 anyos na lalaki, nagbigti sa Jiabong, Samar

Tinuldukan ng isang lalaki ang kanyang sariling buhay matapos itong magbigti sa kanyang kwarto sa Brgy. Jia-an sa Bayan ng Jiabong, Samar noong Agusto 7, 2022.

Kinilala ang biktima na si Florencio Fabellar, 54 anyos, biyudo, isang mangingisda at residente ng naturang barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon, nagpatiwakal ang biktima sa pamamagitan ng paggamit ng nylon na tali.

Sa pahayag ng mga saksi, nagawa pa ng biktima na makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan nitong Sabado at makaraa’y nagpasyang umuwi bandang alas 9:30 ng gabi.

Ngunit kahapon, ipinagtataka nalang ng kanyang mga kaibigan na hindi na ito nagbukas ng kaniyang bahay at hindi na sumagot sa mga tawag.

Kaya naman, napagpasyahan nilang pwersahan nang buksan ang pinto ng kanyang bahay at dito na tumambad ang nakaluhod mula sa pagkakabitin at wala ng buhay na katawan ng biktima.

Lumalabas naman sa pagsisiyasat na ikatlong beses na umano nitong sinubukang magpatiwakal at personal na problema naman ang tinitingnan na sanhi ng pagpapakamatay nito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Jiabong PNP upang alamin ang iba pang sanhi ng pagkitil sa sariling buhay ng biktima.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe