Sunday, November 24, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesHouse-to-house clean-up ipapatupad ng Aklan Provincial Government laban sa dengue

House-to-house clean-up ipapatupad ng Aklan Provincial Government laban sa dengue

Kalibo, Aklan – Ipapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Aklan ang house-to-house clean-up at dengue vector surveillance at monitoring sa limang munisipalidad na may pinakamataas na recorded cases ng dengue sa probinsya.

Iyan ay ayon sa pahayag ni Roger Debuque, Coordinator para sa dengue program ng Aklan Provincial Health Office, aniya, ang nasabing aktibidad ay sinimulan ng isinagawa na may layuning makarating sa 500 kabahayan sa 103 na mga barangay ng nasabing mga munisipalidad.

Ang house-to-house cleanup program ay nagsimula nitong July sa limang mga bayan na may mataas na kaso ng dengue, ang Ibajay na may 94 cases; Nabas, 72; Kalibo, 55; Malay 41; at Buruanga na may 25 dengue cases.

Nakapagtala ang probinsya ng 403 dengue cases at may tatlong dengue related deaths mula Enero 1 hanggang Hulyo 30 o katumbas sa 1,309 percent na pagtaas kompara sa 28 cases nang nakaraang taon sa parehong mga buwan.

So far, the cases have not reached the alert and epidemic threshold as “our cases are fluctuating and are not steadily increasing,” saad pa ni Debuque.

“We are intensifying the monitoring of our cases since for this year, we expect a surge or increase in cases of dengue,” dagdag pa niya.

Matatandaang nito lamang Hulyo 20, ipinatupad ni Governor Jose Enrique Miraflores ang pagpapaigting sa mga preventive measures laban sa dengue at sa iba pang mosquito-borne diseases sa pamamagitan ng “4S” strategy—ang Search and destroy mosquito breeding places, Self-protection, Seek early consultation at Say “yes” to fogging sa mga lugar na may pinakamataas na kaso.

Inutos din niya ang pagkakaroon ng mga hydration units; at ang pagkakaroon ng budget para sa pagbili ng mga intravenous fluid sets at dengue test kits ng probinsya; at ang pagkakaroon ng blood tests sa ibat ibang municipal health offices.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe