Saturday, November 23, 2024

HomeNews2 Wanted Person sa Bohol, arestado

2 Wanted Person sa Bohol, arestado

Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad ng Bohol Police Provincial Office ang dalawang Wanted Person nito lamang Sabado, Agosto 6, 2022.

Sa bayan ng Cortes, isang nagngangalang Cyril John Castañeda alyas “Junjun”, 38 taong gulang, ang inaresto pasado ala-1 ng madaling araw kaugnay sa kasong sexual molestation.

Ayon kay Police Staff Sergeant Urven Molina, imbestigador ng Loboc Police Station, ang suspek ay nagmula sa Sandingan Island sa bayan ng Loon at nagtago sa Cortes matapos ang insidente noong 2021 na kung saan ay minulestiya umano nito ang isang 12-anyos na babae, na kamag-anak din niya.

Sa pagtutulungan ng mga kapulisan sa bayan ng Loboc at Cortes, kasama ang mga tauhan ng Regional Intelligence Unit Central Visayas, matagumpay na inaresto at inihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa suspek.

Samantala, bandang alas-10:30 ng parehong araw, nasakote naman sa bayan ng Anda ang isang nagngangalang Elmer Fernandez Deloy, 38, sa kasong attempted homicide sa Purok 1, Barangay Suba, bayan ng Anda.

Naaresto si Deloy sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gertrude Belgica Jiro ng Municipal Trial Court 6th Judicial Region 6 ng Dumangas Iloilo City noong Hulyo 19, 2022.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe