Nakatanggap ng tulong ang isang dating rebelde mula sa Department of Interior and Local Government Regional Office 8 na iginawad sa DILG Eastern Samar Provincial Office, Borongan City nitong Huwebes, Agosto 4, 2022.
Si alyas “Maoy”, ay isang dating rebelde na boluntaryong sumuko sa 1stEastern Samar Provincial Mobile Force Compay noong 2021.
Ang nasabing dating rebelde ay nakatanggap ng tseke na nagkakahalaga ng mahigit isang daang libong piso mula kay Mr. Johannes Y. Dorado, Provincial Head ng DILG.
Ang ipinagkaloob na tulong ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) benefit package sa ilalim ng Executive Order 70 bilang tulong sa kanilang pagbabalik sa komunidad at mamuhay ng normal.