Saturday, October 5, 2024

HomeNewsFish Vendor mula sa Eastern Samar, binaril patay sa Tacloban City

Fish Vendor mula sa Eastern Samar, binaril patay sa Tacloban City

Tacloban City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Naga-Naga Junction Brgy 71, Tacloban City, alas-10 ng gabi nitong Agosto 2, 2022.

Kinilala ang biktima na si Roel Bacunawa, 46 anyos, fish vendor at residente ng Brgy 6, Guiuan Eastern Samar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa Tanauan, Leyte ang biktima kasama ang kanyang asawa at driver sakay ng kanilang service vehicle para maghatid ng isda.

Ngunit nang huminto sila sa lugar, sumulpot ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo at sila ay pinagbabaril.

Agad ding tumakas ang mga suspek matapos mangyari ang krimen.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga salarin sa naturang krimen.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe