Saturday, November 16, 2024

HomeNews2 indibidwal, huli sa aktong lumabag sa Municipal Ordinance sa Arteche, Eastern...

2 indibidwal, huli sa aktong lumabag sa Municipal Ordinance sa Arteche, Eastern Samar

Arteche, Eastern Samar – Nahuli sa akto ng mga kapulisan ang dalawang indibidwal na lumabag sa Municipal Ordinance No. 17-02-B series of 2017, Sec. 5, Paragraph C o Pagbebenta ng mga produktong tabako sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar noong Hulyo 31, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina alyas “John”, 58 taong gulang na lalaki, may asawa, walang trabaho at alyas “Maria”, 47 taong gulang, self-employed, kapwa residente ng Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar.

Agad na inisyu ang Citation Ticket sa nasabing mga lumabag upang magbayad ng kanilang mga parusa sa Municipal Treasures’ Office.

Nananawagan naman ang kapulisan ng Arteche MPS sa komunidad na makipagtulungan at suportahan ang kamapanya sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance kaugnay sa Anti-Smoking.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe