Eastern Samar- Arestado ng mga awtoridad ng 801st Maneuver Company, RMFB8 at Dolores MPS ang isang lalaking Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder sa Sitio Caglilitid, Brgy. Buenavista (Upstream), Dolores, Eastern Samar nitong Hulyo 30, 2022.
Kinilala ang suspek na si Noli Ladisla y Erazo, 32 taong gulang, may live-in partner, magsasaka, at residente ng parehong lugar.
Naaresto si Erazo sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Pebrero 23, 2022, sa ilalim ng Criminal Case no. 362-22-02 na inisyu ni Hon. Renato Noel Capones Echague, Presiding Judge, RTC 8th Judicial Region, Branch 4, Dolores, Eastern Samar, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00.
Samantala pinaalam naman sa naarestong suspek ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon at ang dahilan ng kanyang pagka-aresto bago ito dinala sa Dolores MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.