Laua-an, Antique- Arestado ang isang wanted person sa kasong Attempted Homicide ng mga awtoridad nitong umaga ng Hulyo 27, 2022 sa bayan ng Laua-an, Antique.
Ang suspek ay hindi pinangalanan ngunit may nakababang warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 22-07-3112-L na pinirmahan ni Hon. Kristin MARIE Natino Falalimpa, Presiding Judge ng Municipal Circuit Trial Court, 6th Judicial Region, Barbaza-Laua-an-Tibiao, Antique nitong July 26, 2022, at may piyansang inirekomenda na Php36, 000.00.
Ang suspek ay agad na dinala sa himpilan ng Laua-an MPS para sa karagdagan pang dokumentasyon at para sa tamang disposisyon.