Tacloban City – Naaresto ang isang security guard sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa St. Francis Village 2, Barangay 105, San Isidro (Suhi), Tacloban City noong Biyernes, Hulyo 29, 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si alyas “Ariel”, 35 taong gulang, may live-in partner, Security Guard at residente ng Greendale Village ng nasabing barangay.
Narekober sa possession at control ng suspek ang labingtatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substances ng pinaghihinalaang “Shabu” na may tinatayang halaga na Php100,000.00
Ang suspek ay nahaharap sa kasong kriminal para sa paglabag sa Section 5,11 at Article II ng R. A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.