Palo, Leyte- Tinuligsa ng isang miyembro ng Katipunan Samahang Manggagawa (KASAMA) na kaanib ng Underground Mass Organization (UGMO) ang Communist Terrorist Group nang isinuko niya ang kanyang sarili sa mga awtoridad ng 4th Maneuver Platoon sa Brgy. Macopa, Jaro Leyte nitong Hulyo 28, 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si alyas “Paras”, nasa legal na edad at residente ng Tacloban City.
Dahil sa negosasyon na ginawa ng pinagsamang pagsisikap ng mga operating unit at dating rebelde na sina Ka Estong at Alyas Benjie noong Abril 2022, nagpasya si alyas “Paras” na i-disaffiliate/denounce ang kanyang pagkakaugnay sa CTG at ibalik ang kanyang katapatan sa gobyerno.
Matapos ipahayag ang kanyang pagtuligsa, siya ay sinundo ng mga operatiba sa Marasbaras, Tacloban City.
Ayon sa kanya, ang dahilan ng kanyang pagtuligsa ay hindi na niya maintindihan ang hirap na dinaranas nila sa rebeldeng grupo habang tinutugis ng gobyerno. Gusto rin niyang makasama ang kanyang pamilya para mamuhay ng simple at normal.
“Isa ito sa mga feel-good accomplishments kung saan na-convince namin ang isa pang miyembro ng UGMO na piliin ang panig ng gobyerno,” dagdag pa ni RD Banac.