Victorias City, Negros Occidental- Nakatanggap ang Local Government Unit ng Victorias City ng Php1.2 milyong financial assistance mula sa Provincial Government ng Negros Occidental nitong ika-25 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ang nasabing financial assistance ay mapupunta sa pagpapaganda sa Mangrove Eco-Trail ng nasabing lungsod na matatagpuan sa Barangay VI-A. Tinatayang nasa Php800,000.00 ang ilalaan para sa pagpapatayo ng multipurpose hall habang Php400,000,00 naman para sa Mangrove Boardwalk.
Samantala personal namang dumalo para sa turn-over ceremony ng proyekto si Governor Eugenio Jose Lacson, kasama sina PEMO Head Atty. Julie Ann Bedrio; Victorias City Administrator Atty. Lindolf De Castro; Councilor Dino Jose Maria Acuña at Councilor Dexter Senido; CPSU Victorias Campus Administrator Noel Fordente; Ikaw Ako Foundation, Inc., department heads; PEMO staff; Victorias City PNP; Barangay VI-A council, at ng mga residente ng Barangay VI-A.
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Claro sa mga namahala at sa mga government officials na siyang naging instrumento upang matupad ang nasabing proyekto. Anya, ang pagkakaisa ng mga residente ng Barangay VI-A ang siyang naging motibasyon upang magkaroon ng progreso at magandang Eco-Trail.