Isang drug den ang binuwag ng Drug Enforcement Unit ng Cebu Police Provincial Office dakong alas-9 ng gabi noong Miyerkules, Hulyo 27, 2022, sa Barangay Carreta, Cebu City.
Hindi bababa sa limang suspek ang naaresto ng mga awtoridad na kinilala na sina Jimboy Peñas, na kilala rin bilang Wilmar, 25, construction worker; Elniño Rosal, 20, isang engraver, na parehong maintainer ng drug den; at mga bisita sa drug den na sina Alfonso Pera, 37; John Paul Sambrano, 26, isang trabahador; at si Alladin Villegas, 44.
Nahuli ang mga bisita sa drug den na naaktohang gumagamit ng ilegal na droga.
Nakuha sa kanila ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 10 gramo at street value na Php74,800 at buybust money.
Ayon naman kay Leia Alcantara, information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas, dalawang linggo nilang binabantayan sina Peñas at Rosal bago nila isinagawa ang naturang operasyon.