Saturday, November 16, 2024

HomePoliticsGovernment Updates‘Lingkod Pag-IBIG on Wheels’ nakatakdang pupunta sa isla Panay

‘Lingkod Pag-IBIG on Wheels’ nakatakdang pupunta sa isla Panay

Iloilo City –Bibisita sa buong Panay Island ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels (LPOW) para sa mga miyembro at mga magiging miyembro ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) simula nitong Agusto 1 hanggang Agusto 2, 2022.

Magsisimula ang LPOW sa bayan ng Miag-ao, Iloilo at nakatakda pang pupunta sa Guimaras sa darating na Agusto 3 hanggang Agusto 5 habang sa Northern Iloilo at iilang bahagi ng Capiz at Aklan naman sa  Agusto 8. Nitong Hulyo nakapaglibot na ang LPOW sa mga lungsod ng Cadiz, San Carlos, Sagay at Bacolod sa Negros Occidental.

Ayon kay Pag-IBIG Molo Branch Manager Mary Faith Jocelyn Poylan ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels ay isang mobile branch sa pamamagitan ng isang sasakyang ipapadala sa mga malalayong lugar lalo na mga lugar kung saan mahihina ang signal.

Sa pamamagitan nito maipapaabot ng opisina ang mga pangunahing serbisyo nito katulad ng pagtanggap ng mga aplikasyon para sa multi-purpose loans, retirement o death claims, Modified Pag-IBIG II (MP2) Savings, loyalty card plus, registration, at iba pang mga programa.

Dagdag pa ni Poylan na mula nang inilunsad ang LPOW sa Maynila nang nakaraang taon, ito ang pinakaunang beses na babyahe ang programa sa isla ng Panay. Ang Pag-IBIG Molo branch ang syang magiging host ng nasabing inisyatibo habang ang bayan ng Miag-ao naman ang pinakaunang bayang pupuntahan nito.

Inaasahang makapaghatid ng serbisyo ang programa sa mahigit 4,927 na mga residente sa Miagao at sa kalapit nitong mga bayan tulad ng Guimbal, Igbaras, San Joaquin, at Tubungan.

Pagkatapos nito sa Panay Island babalik Ang LPOW sa Cebu para sa susunod naman nitong deployment.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe