Northern Samar – Nakatanggap ng starter tool kits ang anim na dating miyembro ng Communist Terrorists Group na sumuko sa First Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng Special Training of Technical Education and Skills Development Employment Program bilang isa sa mga ahensya ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program (E-CLIP) sa Darangpan Center, Northern Samar noong Hulyo 25, 2022.
Nagsimula ang programa sa isang welcome message ni Analiza M Mission, Center Manager, Darangpan Center na sinundan ng pamamahagi ng tool kit ni Police Corporal Jerwin L Pura, Operation PNCO, kasama si Rolando V. Bade, Provincial Director, Ms. Glorilyn P. Morados, Kim Ann V. Bolosiño, Admin Office V/Supply Officer at Vanessa Salazar, Case Manager.
May kabuuang anim na dating rebelde ang nakatapos ng pagsasanay sa Cake Making (Leading to bread and Pastry Production NC II) at nakatanggap ng measuring cup; measuring spoon; mixing bowl; wire whisk; muffin pan; flour sifter at oven bilang starter toolkit.
Bilang nangungunang ahensya sa Poverty Reduction and Employment Cluster (PRLEC), isa sa 12-line na ahensya sa ilalim ng EO 70- a whole of the nation approach sa paglaban sa lokal na communist armed conflict sa Northern Samar.
Ang nasabing aktibidad ay naaayon sa Vision ng TESDA na naglalayong paunlarin ang mga manggagawang Pilipino na may world-class competence at positive work values.
“Kami ay nagpapasalamat sa patuloy na suporta at interbensyon ng TESDA bilang isa sa mga aktibong ahensya ng E-CLIP sa pagtugon para sa ikabubuti ng mga dating rebelde. Ang programang ito ay tutulong sa kaalaman at karanasan ng dating mga rebelde na lalong lumago at magbigay daan sa muling pagtatayo at pagsasa-ayos ng kani-kanilang buhay,”dagdag pa ni PLtCol Edwin M Oloan Jr ng 1st Northern Samar PMFC.