Eastern Samar – Kusang sumuko sa kapulisan ng Balangiga Municipal Police Station ang isang Newly Identified Drug Personality PWUD’s (Personality Who Used Drugs) ng Brgy. 01, Balangiga, Eastern Samar noong Biyernes, Hulyo 22, 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si alyas “Mar”, 43 years old, single, self-employed, College Graduate, at residente ng Brgy. 01, Balangiga, Eastern Samar.
Sa pakikipagtulungan ng Balangiga MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Louie P Gorgonia, Officer-In-Charge, kay Mr. Sanny Demillo, Brgy. Chairman, nakumbinsi at kusang-loob na isinumite ni alyas “Mar” ang sarili sa mga tauhan ng Balangiga MPS.
Ang subject person ay nagsagawa ng affidavit of undertaking na duly subscribed ng isang opisyal ng PAO bilang tanda ng kanyang pakikipagtulungan sa pagbibigay ng boluntaryong impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng ilegal na droga sa lugar.
Ang nasabing surrenderee ay sasailalim sa RWP (Recovery Wellness Program) para sa kumpletong rehabilitasyon upang muli siyang makasama sa komunidad at muling buuin ang kanyang sariling buhay.