Friday, November 15, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News10 miyembro ng NPA, boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Northern Samar

10 miyembro ng NPA, boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Northern Samar

Lope de Vega, Northern Samar – Boluntaryong sumuko ang 10 miyembro ng Communist Terrorists Group (CTG) sa mga awtoridad nitong ika-20 ng Hulyo 2022 sa Northern Samar.

Naganap ang pagsuko sa Brgy. Magsaysay, Lope de Vega, Northern Samar noong Miyerkules, Hulyo 20, 2022 na bukas palad namang tinanggap ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, Northern Samar Police Provincial Office, Provincial Intelligence Team-Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8 at 804TH Maneuver Company, Regional Mobile Force Batallion 8 kasama ang 43rd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga sumuko na sina (1) alyas “Bravo”, 45 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega, at miyembro ng Squad 1, SYP Plantoon, FC-2 Sub-Regional Committee EMPORIUM; (2) alyas “Cali”, 22 taong gulang, binata, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega, at miyembro ng Squad 1, SYP Platoon, FC-2 SRC EMPORIUM; (3) alyas “Jack”, 26 taong gulang, binata, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega, at miyembro ng Squad 1, SYP Platoon, FC-2 SRC EMPORIUM; (4) alyas “Toya”, 57 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega, at miyembro ng Squad 1, SYP Platoon, FC-2 SRC EMPORIUM; alyas “Maan”, (5) 56 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega, N. Samar; (6) alyas “Kado”, 31 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Kalilihan, Calbayog City, at isang team leader ng Squad 2, SYP Platoon, FC-2 SRC EMPORIUM; alyas “Sarimao”, (7) 28 taong gulang na binata, residente ng Brgy.Mabini, Catarman Northern Samar at isang medical officer ng Squad 2, SYP Platoon, FC-2 SRC EMPORIUM; (8) alyas “Alyana”, 22 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Gen. Luna, Lope De Vega, Northern Samar at isang financial officer ng Squad 2, SYP Plantoon, FC-2 SRC EMPORIUM; (9) alyas “Sais/Oto/Orlan”, 29 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega Northern Samar at (10) si alyas “Pos-ok”, 34 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Somoray, Lope De Vega, Northern Samar at miyembro ng Squad 2, SYP Platoon, FC-2, SRC EMPORIUM.

Kasabay ng kanilang pagsuko ang pagsurrender ng kanilang mga armas: isang M1 Garand Rifle, isang Cal. 45 Pistol na may SN 857711 at isang magazine; isang Cal. 38 revolver na may defaced marks at Serial Number; isang Cal. 5.56mm, M16A1 rifle na may Serial Number na RP129464 at tatlong maiikling magazine; isang Cal. 45 pistol COLT-1911A1 na may SN 153917; isang Cal. 22 pistol na may defaced na SN; isang Cal. 45 pistol na may markang M1911A1 na may SN 705163 at may kasamang isang magazine; isang Cal. 45 pistol na may defaced markings at SN.

Lahat ng sumukong CTG ay nakalista sa Periodic Status Report batay sa 2022 1st Quarter PSR at nasa kustodiya na ng 43rd IB, 8ID, PA sa Brgy. Magsaysay, Lope De Vega, Northern Samar at lahat ng isinukong baril ay itinurn-over sa NSPPO Supply.

Pahayag ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr, Force Commander ng 1st NSPMFC, “Itong malaking bilang ng mga Terrorist Communist CPP-NPA-NDF na sumuko sa gobyerno ay isang patunay na naging mabisa ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang wakasan ang karahasang ginagawa ng mga teroristang grupo. Ipinapakita rin nito na marami sa ating mga kababayan ang namulat na sa kanilang mga maling desisyon ay nais ng magsimula muli.”

“Kasama ang NTF ELCAC, ang AFP at PNP ay nagsusumikap dahil kailangan pa rin nating magtulungan at magkaisa para sa ikabubuti ng ating bansa. Patuloy tayong nananawagan sa publiko para sa ating mga kakilala at mga kamag-anak na nandoon pa rin sa kabundukan at magtulungan tayong kumbinsihin sila, nang mapakinabangan nila ang mga programa at benepisyo ng gobyerno na nakalaan para sa kanila dahil ito rin ay para sa ikabubuti ng kanilang buhay at para makamit natin ang kapayapaang matagal na nating inaasam-asam,” dagdag pa ni PLtCol Oloan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe