Friday, November 15, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News1 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros Oriental

1 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros Oriental

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army sa engkuwentro na naganap sa Sitio, Taluktok, Brgy Sandayao, Guihulngan City, Negros Oriental nito lamang Hulyo 20, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Pompeo D Landesa, 54 taong gulang, miyembro ng CN1, residente ng Sitio Dako, Brgy Sandayao, Guihulngan City, Negros Oriental, at sangkot sa iba’t ibang kaso ng pagpatay at paglabag sa RA 10591 noong 2019.

Sa ulat ng mga awtoridad mula sa 62nd IB, naganap ang naturang sagupaan nang nagsasagawa ng patrolya ang tropa ng pamahalaan sa nasabing bayan at ibinalita sa kanila ng isang concerned citizen ang pangingikil ng mga miyembro ng CTG sa lugar.

Tumagal ng humigit-kumulang limang (5) minuto ang engkwentro sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at ng mga kalaban.

Humantong ang naturang insidente sa pagkamatay ng isa sa limang miyembro ng NPA na nakasagupa ng mga awtoridad habang nakumpiska naman ang isang (1) KG9 na may isang (1) magazine, kasama pa ang isang (1) magnum 357 na may tatlong (3) ammo, isang (1) hand grenade, at mga subersibong dokumento.

Tiniyak naman ng sandatahang militar ng Central Visayas na hindi sila hihinto sa pagtugis sa mga natitirang miyembro ng CTG sa Negros Oriental.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe