Friday, November 15, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News2 Baril narekober sa mga rebelde sa Negros Occidental

2 Baril narekober sa mga rebelde sa Negros Occidental

Bacolod City – Dalawang baril ang natagpuan mula sa apat na namatay na pawang mga miyembro ng rebeldeng grupong CPP-NPA na diumano’y nakaw na pagmamay-ari ng miyembro ng pulisya na narekober sa engkwentro sa pagitan ng kapulisan at mga rebelde noong ika-6 ng Hulyo 2022 sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa pahayag ng Negros Occidental Police Provincial Office, ang dalawang nakaw na baril ay diumano’y nakuha ng mga rebelde sa dalawang magkahiwalay na pag-atake ng mga ito sa isla ng Negros noong taong 2008 at 2010.

Ayon sa kanya, natukoy na ng PNP ang nagmamay-ari ng dalawang narekober na baril nang ito ay sumailalim sa ballistic examination.

Batay sa resulta ng pagsusuri, ang kalibre .45 pistol na narekober ay isyu kay Police Staff Sergeant Ranulfo S. Estrada na dating naka-assign sa La Libertad Municipal Police Station na dati’y nilusob ng mga rebelde noong ika-3 ng Nobyembre 2008.

Samantala, ang isa pang narekober na Springfield M14 rifle ay nasa pangangalaga ni Police Corporal Jose Ray Bringuez na dating kasama sa isinagawang Community Police Assistance Center ng Sipalay City Police Station kung saan nilusob ng hindi bababa sa 30 miyembro ng CPP-NPA noong ika-30 ng Abril 2020.

Ang mga narekober na yunit ng baril mula sa engkwentro na pag-aari ng pamahalaan ay patunay sa kinakaharap na suliraning insurhensya na nagdudulot ng takot at kaguluhan sa mga pamayanan lalo na sa kanayunan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe