Isang sundalo ang namatay habang limang iba pa ang sugatan nang pasabugin ng New People’s Army (NPA) ang mga anti-personnel mine sa lugar ng San Brgy. Osang, Catubig, Northern Samar nito lamang umaga ng Martes, Hulyo 19, 2022.
Sinabi ni Lt. Col. Joemar Buban, Commander ng 20th Infantry Battalion, naganap ang insidente bandang alas 9:25 ng umaga sa bandang bukirin, isang kilometro lamang ang layo mula sa isang kalapit na komunidad.
“Nagkaroon ng 15 minutong sagupaan pagkatapos ng pagsabog, at inaalam pa ng ating mga tropa ang bilang ng mga nasawi mula sa panig ng kaaway. Ipinadala namin ang aming mga air asset upang ilikas ang mga biktima sa pagsabog at agad na dinala sa Eastern Visayas Regional Medical Center para magamot,” sabi ni Buban.
Ang nasawi at sugatan na mga sundalo ay kabilang sa 24 na trooper na nagpapatrolya sa paligid na kasapi sa Community Support Program team na nakatalaga sa Osang at Nagoocan Villages.
Ang CSP ay isang flagship program ng Armed Forces of the Philippines na ginamit upang iligtas ang mga komunidad sa infestation ng NPA at upang mailapit ang gobyerno sa mga tao sa pamamagitan ng mas mabilis na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo.
“Ang nasabing pag-atake ng terorista ay isang malinaw na paglabag sa Ottawa Convention (Mine Ban Treaty) na nagbabawal sa paggamit, pag-iimbak, produksyon, at paglipat ng mga anti-personnel landmines. Kaya naman, kami ay nananawagan sa Commission of Human Rights na mag-imbestiga at maglabas ng pahayag hinggil dito,” dagdag pa ni Buban.
Panahon na para itigil ang karahasang ginagawa ng Communist Terrorist NPA. Panahon na para panagutin ang mga pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines sa patuloy na pagkunsinti sa mga maling gawain ng kanilang armadong grupo. Nananawagan ako sa CPP-NPA na mamuhay ng maayos at mapayapa. Huwag nating galawin ang on-going SBDP Projects para magpatuloy ang kapayapaan at kaunlaran dito sa Northern Samar,” mensahe ni Buban.