Saturday, September 21, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsCTG Member at Top 4 Most Wanted Person ng Central Visayas, Arestado

CTG Member at Top 4 Most Wanted Person ng Central Visayas, Arestado

Napasakamay ng mga awtoridad ang isang aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at Top 4 Most Wanted Person (Regional Level) sa operasyon na isinagawa sa Sitio Nagbagang, Brgy. Poblacion, Santa Catalina, Negros Oriental nito lamang ika-17 ng Hulyo 2022.

Kinilala ang naaresto na si Charlie Lastimosa Saliganan a.k.a “Jory”, isang miyembro ng Communist Terrorist Group, Squad 2, Revolutionary Mass Party Committee ng South East Front, Komiteng Rehiyon sa Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (SEF KR-NCBS) at may nakabinbing kaso na three (3) counts of Murder.

Naaresto si Saliganan sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng 61st Special Action Company (SAC), 6th Special Action Battalion (SAB); Ang Sta. Catalina Municipal Police Station (MPS); 704th at 705th MC Regional Mobile Force Battalion 7 (RMBF7); PNPMARPSTA at PIU, Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO).

Ang matagumpay na pagkakaaresto ng suspek ay pinagtibay sa paghahain ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Neciforo C. Enot, Assisting Judge, RTC, 7th Judicial Region, Branch 43, Bayawan City, Negros Oriental para sa kasong Murder na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 2411 na walang inirekomendang piyansa.

Pinuri naman ni PLTGen Vicente D Danao Jr, OIC PNP ang kapulisan ng naturang rehiyon para sa kanilang walang humpay at tuloy-tuloy na kampanya laban sa kriminalidad at insurhensiya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe