Tapaz, Capiz- Sumuko ang dalawang Legal Front Personality ng Communist Terrorist Group sa mga awtoridad nitong Hulyo 7, 2022 sa bayan ng Tapaz, Capiz.
Kinilala ang mga sumuko na sina “Ka Solomon” at “Ka Raha” ng grupong “TUMANDOK”. Si Ka Solomon ay dating tagapagsalita ng grupo habang regular na kasapi lamang si Ka Raha.
Naging matagumpay ang kanilang pagsuko sa inisyatibo ng mga tauhan ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Edyliz Ritche S Crucero, Tapaz Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Leomindo S Tayopon, at ng Capiz Provincial Intelligence Unit.
Binigyan naman ng ating mga kapulisan ang mga sumuko ng tulong pinansyal kabilang na ang kalahating sako ng bigas at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Hinimok naman ng mga awtoridad ang lahat pang mga kasamahan ng dalawang sumuko na tumiwalag na sa teroristang samahan at tuluyan ng humiwalay sa grupo bagkus suportahan na lamang ang pamahalaan.