Saturday, October 5, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsHigh-Ranking NPA Official, tiklo sa Negros Occidental

High-Ranking NPA Official, tiklo sa Negros Occidental

Calatrava, Negros Occidental- Tiklo ang isang babaeng High-Ranking NPA Official sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng 79th Infantry Battalion, Philippine Army nitong Hulyo 6, 2022 sa Brgy Marcelo, Calatrava, Negros Occidental.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon sa mga residente ng nasabing lugar sa kinaroroonan ng humigit-kumulang pitong (7) miyembro ng CPP-NPA. Agad namang nagsagawa ng combat operation ang mga tropa na nauwi sa 10 minutong bakbakan.

Nahuli sa mismong bakbakan ang isang kinilalang Isabelle Necesario alias Maoline /Nads/ Diane/ Idel, na pinaniniwalaang Deputy Secretary ng North Negros Front (NNF). Samantala, agad namang tumakas ang anim pa nitong mga kasamahan.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa encounter site ang dalawang (2) Rifle Grenades; dalawang (2) Cal. 38; pitong (7) Cal .38 live ammunition; isang (1) Cal. 45 pistol; limang (5) Cal. 45 live ammunition; limang (5) flash drives; pitong (7) cellphones (keypad); isang (1) cellphone (Touchscreen); tatlong (3) Pocket Wifi; mga dokumento, medical supplies, tatlong (3) Civilian bag at Php3,740 na pera; at iba pa.

Ang nahuling NPA high-ranking official ay dinala sa Calatrava Municipal Police Station para sa karagdagan pang dokumentasyon at wastong disposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe