Thursday, January 16, 2025

HomePoliticsGovernment UpdatesMahigit 4.7 Milyon katao, nabakunahan sa Central Visayas

Mahigit 4.7 Milyon katao, nabakunahan sa Central Visayas

Mahigit 4.7 milyong indibidwal sa Central Visayas ang ganap na nabakunahan laban sa coronavirus disease (Covid-19).

Nitong Hulyo 4, 2022, hindi bababa sa 4,734,806 na indibidwal o 72.04 percent ng 6,572,248 na target na populasyon sa rehiyon ang nakakuha ng kanilang pangalawang dose, o nabakunahan ng isang dose ng bakunang Janssen.

Lumabas din sa datos ng Department of Health sa Central Visayas (DOH 7), kabilang ang mga tumanggap ng bakunang Jansen, nasa humigit-kumulang 75.51 percent o 4,962,755 na indibidwal ang nakatanggap ng unang dose.

Sa kabuuang bilang, ang Mandaue City ang may pinakamataas na vaccination rate, dahil lumampas ito sa target na populasyon na may 103.16 percent o 341,311 na fully vaccination na indibidwal. Sa target na 330,860 populasyon, nabakunahan na ng lungsod ang humigit-kumulang 108.52 porsiyento o 359,051 indibidwal para sa unang dose.

Sinundan ito ng Lapu-Lapu City na may 101.16 percent o 376,652 fully vaccinated na indibidwal sa 372,333-target population. Nabakunahan din ng Lapu-Lapu City ang 108 porsiyento o 402,138 indibidwal.

Ang Cebu City ay may ganap na nabakunahan ng 90.46 percent o 761,443 indibidwal sa 841,724 na target na populasyon.

Samantala, ang Siquijor ang may pinakamataas na vaccination rate sa apat na probinsya sa Central Visayas na may 92.21 percent o 75,835 na fully vaccination na indibidwal. Gayunpaman, ang lalawigan, ang may pinakamababang target na populasyon sa mga lalawigan at tatlong highly urbanized cities (HUCs), na may 82,244 lamang.

Ang Bohol at Cebu ay mayroong 71.59 percent o 798,483 na ganap na nabakunahan at 64.22 percent o 1,722,033 na ganap na nabakunahan na indibidwal, ayon sa pagkakabanggit.

Bagama’t mababa ang Cebu sa mga tuntunin ng rate ng pagbabakuna, ito ang may pinakamalaking bilang ng mga nabakunahang indibidwal sa mga probinsya at HUC.

Sa target na 2,681,313, nabakunahan na ng Cebu Province ang 65.65 percent o 1,760,269 na indibidwal para sa first dose o single dose.

Ang Bohol ay may target na populasyon na 1,115,350 indibidwal upang mabakunahan, at 74.67 percent o 832,873 indibidwal ang nabakunahan para sa unang dose.

Ang Negros Oriental ang may pinakamababang vaccination rate sa mga probinsya na may 57.39 percent o 659,049 na fully vaccination na indibidwal.

Nakapagbakuna ito ng 59.81 percent o 686,827 indibidwal sa 1,148,424 na target na populasyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe