Saturday, November 16, 2024

HomeNewsLove triangle, nauwi sa madugong patayan

Love triangle, nauwi sa madugong patayan

Patay ang isang 40-anyos na lalaki, habang sugatan naman ang kanyang kasintahan matapos sugurin at pagsasaksakin ng diumano live-in partner ng biktima ng dahil sa matinding selos.

Naganap ang insidente sa East Binabag, Barangay Tayud, bayan ng Consolacion, hilagang Cebu dakong alas-10:50 ng gabi noong Lunes, Hulyo 4, 2022.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ruel Aquino, Investigator-on-Case, ang mga biktimang sina Ranilo Goc-ong, ng Barangay Santa Cruz, Liloan at ang kanyang kasintahang si Christel Mae Silaya Bacus, 26, ng Barangay Tayud, Consolacion ay patungo sa bayan ng Liloan sakay ng isang motorsiklo nang pahintuin at walang kaabog-abog na pinagsasaksak ng suspek na si Norwel Cabaña, live-in partner ni Christel Mae.

Agad namang tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente. Samantala sinubukan pang dalhin ang biktima na si Ranilo Goc-ong sa Eversley Child Sanitarium Hospital sa Mandaue City, ngunit binawian na ito ng buhay.

Ayon sa initial medical findings, nagtamo ng ilang saksak sa katawan si Ranillo, habang si Christel Mae ay nagtamo naman ng mga saksak sa kanang tiyan at inuobserbahan pa hanggang ngayon.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation ng Consolacion PNP laban sa 38-anyos na suspek, na tubong Barangay Tungkay, Toledo City, Midwest Cebu ngunit kasalukuyang naninirahan sa Barangay Lahug, Cebu City.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1933953/cebu/local-news/man-killed-girlfriend-wounded-due-to-jealousy

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe