Monday, January 6, 2025

HomePoliticsGovernment UpdatesCOMELEC Voter’s Registration, muling binuksan

COMELEC Voter’s Registration, muling binuksan

Kasunod ng pag-anunsyo ng muling pagbubukas ng COMELEC registration ng mga botante sa loob ng 19 na araw, nagsimulang nagbukas ang tanggapan ng COMELEC sa Astrodome noong Lunes,Hulyo 2, 2022.

Ang mga transaksyong tinatanggap ay para sa new registration, transfer of registration, change/correction of entries at ang muling pagsasa-aktibo ng mga talaan ng pagpaparehistro.

Ang opisina ay bukas tuwing Lunes hanggang Sabado mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang mga kinakailangang dalhin ay orihinal at photocopy ng live birth certificate/PSA at government issued ID/ student ID/ library card o Barangay Certificate kung walang maipakitang Valid ID.

Ayon kay Regional Election Director Atty. Jose Nick Mendros, dapat nang magparehistro ang mga 15 taong gulang para sa SK at 18 taong gulang para naman sa Regular na Botante upang isumite ang kanilang aplikasyon dahil limitado lang ang araw na ibinigay para sa registration.

Nakatakda naman ang Barangay at SK elections sa Disyembre 5, 2022.

Source: Tacloban City Information Office | https://web.facebook.com/CIOTaclobanOfficial/posts/pfbid02HfvJTV28732GSD8vZGxrbefPUJd9ScSvMBG1fqbATGwWEGN8XGGogvLfPzLtkQ7Cl

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe