Sunday, October 6, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsIbat-ibang mga kagamitan at armas ng CPP-NPA natagpuan sa Lambunao, Iloilo

Ibat-ibang mga kagamitan at armas ng CPP-NPA natagpuan sa Lambunao, Iloilo

Lambunao, Iloilo- Sari-saring kagamitan at armas ng CPP-NPA ang natagpuan ng mga tauhan ng 82nd Infantry (Bantay Laya) Battalion, 3rd Infantry (Spearhead) Division, Philippine Army, sa encounter site sa Sitio Barangbarang, Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo nito lamang Hunyo 28, 2022.

Ito ay matapos tagumpay na mapigilan ng mga tropa ng pamahalaan ang planong pangingikil at pag-atake ng mga miyembro ng CPP-NPA, at makasagupa ang mga bandidong grupo ng halos limang minuto.

Naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng mga residente na siyang nagbigay-alam sa mga sundalo sa binabalak na iligal na aktibidad at sa kinaroroonan ng mga teroristang bandido.

Agad namang rumesponde ang mga sundalo dakong alas 3 ng hapon at nakasagupa ang hindi bababa saw along (8) rebelde na miyembro ng Central Front, Komiteng-Rehiyon Panay. Ngunit agad ding tumakas ang grupo bandang timog at iniwan na lamang ang kanilang mga kagamitan.

Kabilang sa natagpuan sa encounter site ang isang (1) m203 (ammo), isang (1) back kpack, 22 piraso ng M16 (ammo), isang (1) cellular phone, (keypad), dalawang (2) WiFi modem, tatlong (3) external drives, pagkain, mahahalagang dokumento at iba pang mga personal na kagamitan.

Wala namang nasugatan o nasawi sa mga sundalo ngunit maaaring may mga sugatan sa kasapi ng NPA, sapagkat may mga duguang marka sa kanilang dinaanan nang sila ay tumakas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe