“Mariing kinukondena ng Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan (SAMBAYANAN-WESTERN VISAYAS) ang ginawang pagharass sa aming miyembro ng mga kasapi ng Bayan-Aklan,” ito ang pahayag ni Winefredo “Ka Winie” Doblezo, Jr., Coordinator ng Sambayanan-Western Visayas matapos hinarass ang kanilang kasamahan habang isinasagawa ang peaceful mobilization to “Support the duty constituted authorities” nitong Hunyo 30, 2022 sa Banga, Aklan.
Dagdag pa niya na walang karapatan si Joven Bel Tugna na kapatid ni Kim Sin Tugna, Chairman ng Kadamay-Aklan at Spokesperson ng Bayan-Aklan na saktan at agawin ang personal na gamit ng kanilang miyembro o kahit kanino man.
Anya, ang nasabing insidente ay nagdulot ng matinding trauma (physical and psychological) sa kanilang minor de edad na kasapi. At hindi palalampasin ng SAMBAYANAN ang pangyayaring ito, at dapat may managot.
Ang Bayan-Aklan, Kadamay-Aklan at Anakbayan-Aklan ay mga organisasyon na itinatag ng CPP-NPA-NDF upang magsagawa ng ” Urban infiltration operations” sa probinsya ng Aklan na ang layunin ay pabagsakin ang ating Gobyerno.
Source: SAMBAYANAN Western Visayas