Monday, December 16, 2024

HomeNewsAlkalde ng Tuburan, itinanggi ang mga alegasyon ng smuggling

Alkalde ng Tuburan, itinanggi ang mga alegasyon ng smuggling

Mariing itinanggi ni incoming Tuburan Mayor Democrito “Aljun” Diamante ang mga alegasyon hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa iligal na pagpapadala ng mga produktong agrikultura mula sa mga daungan ng Cebu patungo sa ibat ibang bahagi ng bansa, tulad ng Cagayan De Oro, Subic sa Zambales at Davao.

Ito ay matapos maisama ang kanyang pangalan sa intelligence report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na isinumite kay Senate President Vicente Sotto III.

Saad ng kasalukuyang bise alkalde at bagong halal na alkalde ng Tuburan na una siyang nasangkot sa katulad na alegasyon noong 2017 ngunit hindi siya ipinatawag sa anumang pagdinig sa kongreso.

Sinabi rin ni Diamante na nasaktan siya sa muling pagsasama ng kanyang apelyido sa listahan ngunit handa raw siyang harapin ang anumang mga paratang sa kanya.

Inamin ni Diamante na nagmamay-ari siya ng isang logistics company na may mga multinational company ang ilan sa kanilang mga kliyente ngunit nilinaw niya na ang kanyang anak ang namamahala dito mula nang siya ay maging alkalde ng bayan noong 2003.

Idinagdag pa niya na ang mga pagpapadala ng mga produktong pang-agrikultura na dumaan sa kanila ay naaayon sa mga legal na pamamaraan.

Sinabi rin ni Diamante na handa siyang buksan ang libro at mga talaan ng kumpanya upang ipakita ang patunay na walang mga iregularidad na sangkot sa mga operasyon ng negosyo nito.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1933321/cebu/local-news/tuburan-vice-mayor-denies-smuggling-allegations

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe