Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPhilippine Army Engineering Construction Battalion, nagsimula nang magtayo ng mga tirahan para...

Philippine Army Engineering Construction Battalion, nagsimula nang magtayo ng mga tirahan para sa Leyte landslide survivors

Nagsimula na ang 546th Engineering Construction Battalion ng Philippine Army na magtayo ng mga pansamantalang tirahan para sa mga pamilyang nasalanta ng landslide sa Baybay City, Leyte.

Ang mga pansamantalang tirahan ay itinatayo sa loob ng dalawang ektaryang bakanteng lote sa Maganhan village. Kamakailan lang, ay natapos ng Department of Public Works and Highways ang site development nito.

Ito ay sa pamamagitan ng mga Army engineers na tinutulungan naman ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine Army at Philippine National Police.

“Ito ay hindi sapat at kailangan natin ng higit pang mga boluntaryo upang tumulong na mapabilis ang pagtatayo ng mga pansamantalang tirahan,” sabi ni 802nd Brigade Commander ng Philippine Army na si Col. Noel Vestuir sa isang panayam sa telepono nitong Miyerkules, Hunyo 22, 2022.

Ang mga volunteers ay pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng cash for work program.

Sila ay itatalaga upang gumawa ng pagmamason at karpintero o maghanda ng pagkain para sa mga manggagawa, sabi ni Vestuir.

Hindi bababa sa 18 ka mga yunit ng mga pansamantalang bahay ang maitatayo sa lugar para sa mga nakaligtas sa landslide sa Kantagnos village. Ang mga pamilyang titira rito ay naninirahan lang sa mga evacuation center mula noong Abril 12.

Matatandaang nagkaroon ng landslide sa nasabing lugar noong Abril 10, 2022 na siyang kumitil ng buhay ng mahigit 67 residente sa Kantagnos kabilang na ang 50 pang nanatiling nawawala.

Ang naturang village ay idineklara ng pamahalaang lungsod bilang danger zone at ang mga residente ay hindi na pinapayagan pang bumalik sa kanilang dating tirahan.

Hindi bababa sa 145 na pamilya o 524 na indibidwal mula sa Kantagnos village ang kasalukuyang nananatili sa mga silid-aralan ng Baybay City Senior High School habang hinihintay ang pagkumpleto ng mga pansamantalang tirahan.

Bukod sa Kantagnos, ang iba pang mga evacuees ay mula sa mga village ng Mailhi (877 indibidwal), Bunga (12 indibidwal), Hipusngo (17 indibidwal), Bubon (limang tao), Maypatag (106 residente) at Villa Mag-aso (38 indibidwal).

Ang mga residente mula sa Mailhi ay nananatili sa Baybay City National High School at ang iba ay nakasilong naman sa kani-kanilang village hall.

Source: PNA | https://www.pna.gov.ph/articles/1177277

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe