Saturday, September 21, 2024

HomeNewsTricycle driver sa Toledo City, patay matapos pagsasaksakin ng kapwa niya driver

Tricycle driver sa Toledo City, patay matapos pagsasaksakin ng kapwa niya driver

Naging madugo ang isang argumento nang saksakin ng isang tricycle driver ang kanyang kapwa driver sa Sitio Baybay, Barangay Poblacion, Toledo City nitong Martes ng hapon, Hunyo 21, 2022.

Agad na binawian ng buhay si Jophel Placibe Basilan, 43, dahil sa tadtad ng saksak na natamo matapos siyang salakayin ng kanyang kasamahang driver na si Jajan Alferez.

Ang mga naturang driver ay parehong taga-Toledo City. Ayon sa desk officer ng Toledo City Police Station, Police Staff Sergeant Fredenil Cabañero, dakong 5:30 noong Martes nang nag-away sina Basilan at Alferez, nang makakuha ng kahoy si Alferez, hinampas nito ng ilang beses sa ulo ang biktima.

Pagkatapos ay sinaksak ni Alferez ng kutsilyo si Basilan ng ilang beses nang bumagsak sa lupa ang biktima.

Napag-alaman na may sama ng loob si Alferez kay Basilan dahil sa pagdadala nito ng kanyang mga pasahero.

Dagdag pa ni Cabañero, nagkaroon pa ng mainit na pagtatalo sina Basilan at Alferez ilang araw bago ang insidente.

Tumakas si Alfarez at ngayon ay tinutugis na ng pulisya.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1932692/cebu/local-news/trike-driver-stabs-fellow-to-death-during-argument

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe