Camp Carlos Delgado, Catarman Northern Samar – Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Terrorists Group (CTG) sa Northern Samar PNP sa Brgy. Somoroy, Lope De Vega, Northern Samar noong Hunyo 15, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Edwin M Oloan Jr, Force Commander ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang mga sumukong CTG na sina Alyas “Syete”, 30 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Paguite, Lope De Vega, Northern Samar, PSR na nakalista sa ilalim ng FC-2, SRGU, Squad 1, Team ng SRC EMPORIUM at si Alyas “Onyok”, 24 taong gulang, binata at residente ng Brgy. Curry, Lope De Vega, Northern Samar, PSR na nakalista sa ilalim ng Squad 2, Island Guerilla Unit (IGU), Island Operational Command (IOC), SRC LEVOX na kumikilos sa isla ng Leyte.
Kasabay ng pagsuko ng dalawa ang kanilang pagturn-over ng isang Cal. 45 na minarkahan bilang Taurus na may SN 239813 na may 1 magazine at 5 live ammunition ng parehong kalibre at 1 unit na 12-Gauge Shotgun na minarkahan bilang Winchester na may SN 1114828 na may 5 ammunition.
Ang mga sumuko ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st NSPMFC, NSPPO upang suriin kung mayroon mang umiiral na Warrant of Arrest at para mas mapadali ang kanilang pagpapalista sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Mensahe ni PLt Oloan, “Ang patuloy na bilang ng mga sumusuko sa CTG ay patunay ng magkasanib na pagsisikap ng AFP-PNP at ng mamamayan para wakasan ang lokal na armadong labanan ng komunista. Sa pamamagitan nito, hindi kami magdadalawang-isip na gamitin ang lahat ng magagamit na pwersa nang may aktibong suporta ng komunidad sa pagtugon sa bawat posibleng banta ng CTG sa aming mga lugar”.
“Para sa mga kapatid na kumakapit pa rin sa hindi makatotohanan at maling gawain ng Terrorist Group, inirerekumenda ko kayong sumuko at gamitin ang mga angkop na benepisyo para sa inyo, upang muling mabuo ang inyong normal na pamumuhay kasama ang inyong mga pamilya sa ilalim ng E-CLIP ng gobyerno, sa halip na namamatay na walang kabutihan”, dagdag pa ni PLt Oloan.