Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Central Visayas (NBI 7) ang apat na Nigerian national sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City dahil sa pamemeke ng government identification card at mga dokumento noong Lunes, Hunyo 13, 2022.
Nahuli ang apat sa loob ng isang pribadong subdivision sa Barangay Agus batay sa inilabas na search warrant ni Judge Dinah Jane Gaceta-Portugal ng Lapu-Lapu Municipal Trial Court Branch 2.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Augustine Onyekachi Nkwocha, 40; Tosin Samuel Oguntoye, 30; Chibuike Joseph Nwokoro, 31; at Christopher Kenechukwu Okeke, na ang pagkakakilanlan ay hindi pa nabeberipika ng NBI 7.
Sa pahayag ni Arnel Pura, NBI 7 agent-in-charge, nitong Martes, Hunyo 14, isang babae na nagsasabing girlfriend ng isa sa mga suspek ang dumulog sa kanilang tanggapan para magsampa ng reklamo laban sa mga dayuhan.Nagpasya siyang magsumbong sa mga pulis matapos siyang pilitin ng kanyang nobyo na makipagtulungan sa kanilang iligal na aktibidad.
Sinabi ni Pura na ang mga pekeng ID at dokumento ay gagamitin sana sa pagbubukas ng mga bank account para sa mga money transfer na kanilang gagamitin para sa online scam ng mga suspek.
Kinopya ng mga suspek ang mga ID ng Philhealth, Bureau of Internal Revenue at NBI.
Dagdag pa ni Pura na pineke ng mga suspek ang kanilang mga ID sa Colon St. sa Cebu City.
Nakakulong ang mga suspek sa tanggapan ng NBI 7 sa Cebu City at nakatakdang sasailalim sa beripikasyon ng Bureau of Immigration.
Kakasuhan din sila ng paglabag sa Article 170 ng Revised Penal Code, na nagbabawal at nagpaparusa sa pamemeke ng falsification of public documents.
Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1932110/cebu/local-news/nbi-central-visayas-nabs-4-nigerian-nationals-for-falsifying-government-ids