Sunday, October 6, 2024

HomeNews1 patay, 1 pa ang sugatan sa pagbangga ng motorsiklo sa Balamban

1 patay, 1 pa ang sugatan sa pagbangga ng motorsiklo sa Balamban

Patay ang isang 22-anyos na senior high student sa isang vehicular accident sa kahabaan ng Transcentral Highway sa Barangay Cansomoroy, bayan ng Balamban, sa  Cebu pasado alas-6 ng gabi noong Huwebes, Hunyo 2, 2022.

Kinilala ni Staff Sergeant Donald Pitogo, investigating officer ng Balamban Police Station, ang biktima na sina Maria Amelita Canumay, driver ng motorsiklo, at Janine Rico, ang backrider, kapwa taga-Barangay Awihao, Toledo City.

Sinabi ni Pitogo na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, pababa ng burol si Canumay patungo sa Cansomoroy nang mawalan ito ng kontrol sa throttle bar, lumihis sa kaliwang bahagi ng kalsada at nahulog sa water canal.

Nagtamo ng malalang pinsala sina Canumay at Rico na agad na dinala sa Balamban Provincial Hospital upang magamot.

Hindi na umabot ng buhay si Canumay sa ospital, habang ginagamot pa sa ospital si Rico. Nagtungo na sa ospital ang pamilya ni Canumay para kunin ang kanyang bangkay.

Naniniwala si Pitogo na namasyal lamang ang dalawang biktima dahil may disco sa barangay.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1930916/cebu/local-news/1-dead-another-hurt-in-balamban-motorcycle-crash

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe