Sunday, October 6, 2024

HomeNews21 anyos na lalake, arestado sa paghagis ng mga basag na bote

21 anyos na lalake, arestado sa paghagis ng mga basag na bote

Arestado ang isang 21-anyos na lalaki dahil sa paghagis ng mga basag na bote sa kalsada sa Sitio Tulang Daku, Barangay Esperanza, San Francisco, Camotes Island, Cebu umaga nito lamang Linggo, Mayo 29, 2022.

Kinilala ni Police Major Timothy Romanillos ang suspek na si Rane Mopon, residente ng Sitio Matab-ang, Barangay Sonog, San Francisco, Cebu.

Ayon kay Romanillos, silay nagsasagawa ng mobile patrolling at police visibility, nang ipaalam sa kanila ng isang concerned citizen ang trouble alarm, walking distance mula sa lokasyon.

Ayon pa rito na agad nilang namataan at nahuli sa akto ang isang grupo ng mga indibidwal na nagsisigawan sa tabi ng kalsada at naghahagis ng mga basag na bote na nagdulot ng kaguluhan at pagkadismaya sa mga residente sa malapit.

Nang maramdaman nila ang presensya ng mga pulis, agad silang tumakbo palayo at umiwas sa pag-aresto.

Hinabol ng mga rumespondeng pulis at naaresto ang suspek na lubhang lumalaban at nagsalita ng mga mapanirang salita laban sa mga pulis.

Sinabi rin ni Romanillos na narekober nila sa baywang ng suspek ang isang kitchen knife sa paghahanap ng incidental arrest.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Francisco Station.

SOURCE | https://www.sunstar.com.ph/article/1930387/cebu/local-news/man-arrested-for-hurling-broken-bottles

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe