Saturday, November 23, 2024

HomeNewsLimang babae, nailigtas sa “Massage Extra Service” sa Tacloban City

Limang babae, nailigtas sa “Massage Extra Service” sa Tacloban City

Nasagip ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Police Regional Office 8 ang limang babae kabilang ang isang 10-anyos na batang biktima ng “Massage Extra Service” sa Burgos St. Brgy 23, Tacloban City nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.

Sa isinagawang entrapment and rescue operation ng WCPD, naaresto ang may-ari at cashier ng Mega Touch Massage Clinic dahil sa paglabag sa RA 10364 o ang Violation of Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang parehong establisyimento ay bihirang nag-aalok ng isang massage spa ngunit ito ay aktwal na nagpapatakbo ng isang prostitution den kung saan ang mga biktima, bukod sa pagmamasahe, ay nag-aalok pa rin ng mga serbisyong sekswal sa kanilang mga costumer.

Ang limang biktima ay nai-turn over na sa City Social Welfare Development Office (CSWDO).

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 10364 at kasalukuyang nakakulong na sa Police Station 2, Abucay, TCPO. 

“Ang artikulong ito na Limang babae, nailigtas sa “Massage Extra Service” sa Tacloban City ay unang nai-publish sa RMN Tacloban Facebook page- https://www.facebook.com/264807713927757/posts/1375104726231378/?flite=scwspnss

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe