Thursday, November 7, 2024

HomeHealth5 Patay, Higit Libo Nagka-Dengue sa Rehiyon 8

5 Patay, Higit Libo Nagka-Dengue sa Rehiyon 8

TACLOBAN CITY– Lima (5) ang namatay sa unang limang buwan ng taong 2022 sa Silangang Bisayas dahil sa dengue.

Sa datos ng DOH-8, ang naturang lima ay kasama sa 1,351 na kabuuang kaso ng dengue mula January 1, 2022 hanggang May 21, 2022. Ito ay 432% na mas mataas kumpara sa 154 lang na kasong naitala ng rehiyon sa unang limang buwan ng taong 2021.

Ang limang namatay ay galing sa mga bayan ng Jaro, Leyte; Taft, Eastern Samar; Calbayog City, Samar; Maasin City, Southern Leyte at Padre Burgos, Southern Leyte.

Na-admit naman sa ospital ang 550 na indibidwal sa probinsya ng Leyte, 413 sa probinsya ng Southern Leyte, 151 sa probinsya ng Samar, 108 sa probinsya ng Eastern Samar, 70 sa probinsya ng Biliran at 59 sa probinsya ng Northern Samar.

Karamihan sa mga nabibiktima ng dengue sa rehiyon ay kalalakihan na may edad 1 hanggang 20 taong gulang.

Ipinaaalala ulit ng Department of Health na aside from COVID-19, huwag pa rin kalimutan ang sakit na dengue at ipagpatuloy ang 4S strategy o search and destroy mosquito breeding places, seeking early consultation, self-protection methods, at support fogging/spraying.###

Photo Credits: DOH Eastern Visayas

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe