Wednesday, December 25, 2024

HomeNews92 scholars, nagtapos sa pilot program ng TESDA para sa construction work

92 scholars, nagtapos sa pilot program ng TESDA para sa construction work

Nasa 92 scholar’s ng Technical Education and Skills Development Authority sa Central Visayas (TESDA 7) ang unang batch na nagtapos sa flagship program ng ahensya na naglalayong magbigay ng construction-related technical vocational training.

Pormal na kinilala ang 92 scholar’s ng Skills for Prosperity Project (SFP) program sa isang graduation ceremony sa Cebu Grand Hotel sa Cebu City noong Miyerkules, Marso 1, 2023.

Sinabi ni Tesda 7 Director Gamaliel Vicenter sa SunStar Cebu na ang SFP program ay naglalayong magbigay ng “inclusive, area-based, lifelong learning” para sa mga iskolar sa mga highly urbanized na lungsod ng Cebu na naglalayong pumasok sa construction industry bilang skilled workers.

Ang SFP ay isang multi-stakeholder collaboration dahil ang TESDA ay nakipagsosyo sa International Labor Organization (ILO), ang British Government, ang Cebu Contractor Association, Inc. (CCA) at ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu upang gawing posible ang programa.

Target ng SFP na palakasin at pahusayin ang sektor ng teknikal-bokasyonal ng bansa, gawing akma ang mga benepisyaryo sa mga in-demand na kasanayan at trabaho, magawang makipagsabayan ng mga manggagawa at mapataas ang antas ng kanilang kakayahang magtrabaho sa loob at labas ng bansa.

Ang mga iskolar ay sinanay sa pinakabago at pinakamahuhusay na kasanayan sa industriya ng konstruksiyon, ipinakalat sa iba’t ibang construction site sa Cebu para sa hands-on na pagsasanay, at inihanda sila na maging handa sa trabaho pagkatapos ng kurso.

Sa 92 scholars na nagtapos sa programa, lima ay babae, dagdag ni Vicente.

Isa sa mga nagtapos, si Jocelyn Uy Abrio, na nakakuha ng kanyang kwalipikasyon para sa Carpentry NC II, ay nagsabi na ang pagtanggap ng kanyang sertipikasyon ay maaaring mangahulugan ng pagkakaroon ng mas magandang trabaho.

Bilang isang solong ina ng limang anak, sinabi ni Abrio, ang kanyang trabaho bilang isang karpintero ay nakatulong sa pagtaguyod ng mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Nagtatrabaho sa industriyang pinangungunahan ng mga lalaki, nadama niya ang hamon na ipakita sa lahat na kaya rin ng mga kababaihan ang trabaho sa sektor ng konstruksiyon.

Bukod kay Abrio, 23 pang Tesda scholars ang nakatanggap din ng kanilang National Certification (NC) qualification sa Carpentry, habang 24 na scholars ang nakakuha ng kanilang qualification para sa Masonry NC II, habang 22 iskolar ang nakapagtapos ng kwalipikasyon sa Reinforcing Steel Works NC II at 22 na mag-aaral ang nabigyan ng kwalipikasyon para sa Construction Painting NC II

Ang programa ng pagsasanay ay tumagal ng tatlong buwan na nagsimula noong Nobyembre 2022.

Sinabi ni Vicente na ang programa ay naglalayong tugunan ang naiulat na kakulangan ng mga skilled workers sa construction sector ng rehiyon.

Pag-aamin ni Vicente na dahil sa agwat sa suweldo at benepisyo, mas nanaisin ng ilang skilled laborers sa rehiyon, lalo na ang mga bihasa sa pagmamason, carpentry, at iba pa, na maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang rehiyon o sa labas ng bansa.

Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng industriya ng konstruksiyon, umaasa si Vicente na ang mga nagtapos ng kanilang programa sa SFP ay makakatulong sa pagtali sa agwat na iyon.

“Malaking tulong ito dahil hindi magdadalawang-isip ang employer na kunin ang mga iskolar na ito sa kanilang nakuhang basic at common competencies at kanilang NC II qualification mula sa TESDA,” dagdag ni Vicente.

Noong 2019, sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ang bansa ay may humigit-kumulang tatlong milyong construction worker, gayunpaman, isang milyon lamang sa kanila ang na-certify.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe