Thursday, January 23, 2025

HomeRebel News9 rebelde, patay sa magkakasunod na sagupaan sa Negros Occidental

9 rebelde, patay sa magkakasunod na sagupaan sa Negros Occidental

Patay ang siyam na mga kasapi ng rebeldeng NPA sa magkakasunod na engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion (62IB) ng Philippine Army sa Barangay Quintin Remo sa bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental nito lamang Sabado, Mayo 20, at sa Guihulngan City sa Negros Oriental, nitong Linggo, Mayo 21, 2023.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang engkwentro ng maglunsad ang mga tauhan ng 62nd IB ng combat operation matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga sibilyan sa mga planong pag-atake ng rebeldeng grupo sa bayan ng Moises Padilla at sa karatig-bayan nitong La Castellana sa Negros Occidental.

Tinatayang umabot sa 10 minuto ang palitan ng bala sa pagitan ng mga sundalo at ng nasa 14 na mga rebelde na kalaunan ay tumakas din sa magkakaibang mga direksyon.

Sinundan ito ng pangalawang sagupaan sa Sitio Oway-Oway ng nasabing bayan bansang 5:40 hanggang 5:50 ng umaga kung saan nakasagupa ng mga sundalo ang nasa anim na mga rebelde.

Habang tumatakas ang mga rebelde, nasundan pa ang sagupaan sa parehong sitio na nagtagal naman ng limang minuto.

Dahil sa nasabing sunud-sunod na sagupaan, namatay ang limang rebelde na kasapi ng New People’s Army. Habang wala namang naiulat na nasawi sa panig ng pamahalaan.

Narekober naman sa mga rebelde ang isang M-16 rifle; dalawang .38 caliber pistols; isang KG9 machine pistol at Uzi machine pistol; dalawang homemade 12-gauge shotguns; apat na rifle grenade ammunition at .38 caliber live ammunition; isang 12-gauge ammunition; dalawang .45 caliber magazines at radio; isang keypad cellphone; 15 mga backpack; isang bandolier at NPA flag; medical paraphernalia at mga food supply.

Samantala nagkaroon naman ng hiwalay na sagupaan sa Barangay Trinidad sa Guihulngan City, Negros Oriental sa kasunod na araw kung saan apat sa mga kasapi ng rebeldeng grupo ang nasawi sa mahigit 20 minutong palitan ng bala sa nasabing lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe