Thursday, January 23, 2025

HomeNews9 na Education Graduate sa Cebu, nag-TOP sa LET

9 na Education Graduate sa Cebu, nag-TOP sa LET

Hindi hinayaan ng pamilya ni Renz John Bryan Caballero Espinosa na hadlangan ng kahirapan ang kanyang mga pangarap.

Si Espinosa ng Barangay Bankal, Lapu-Lapu City ang nanguna sa Licensure Examinations for Teachers (LET) Secondary Level na ibinigay noong Marso at kinikilala ang kanyang mga magulang sa kanyang nakamit.

“Proud ako sa parents ko. Sa kabila ng aming socioeconomic status, pinaaral nila ako. Hindi nila ako pinabayaan. Naunawaan nila ang aking mga layunin at plano, at sila ay lubos na sumusuporta,” pahayag nito noong Sabado, Mayo 20.

Si Espinosa, anak ng isang jeepney driver at isang maybahay, ay nasa ikaapat na puwesto sa top 10 passers list na may rating na 92.20 percent.

Inamin niyang napi-pressure siya matapos maging nag-iisang nagtapos na Summa Cum Laude sa kanyang batch sa Cebu Normal University (CNU) noong Hunyo 2022, ngunit hinimok siya ng kanyang mga magulang habang naghahanda siya para sa pagsusulit.

“Gusto ko silang ipagmalaki. Gusto kong maging unang lisensyadong guro sa pamilya, at ako ang unang topnotcher sa aming angkan. Malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko sa mga sakripisyo nila para sa akin,” saad pa ni Espinosa.

Balak niyang ituloy ang kanyang Master’s Degree, ngunit sa ngayon, magpapatuloy siya sa pagtatrabaho sa isang review center para tumulong sa paggawa ng mas maraming topnotcher na tulad niya.

Bukod kay Espinosa, dalawa pang Cebu-based graduates ang nakapasok sa top 10 ng March 2023 LET secondary level exam.

Ang Cebu Roosevelt Memorial Colleges na nagtapos na si Reglyn Mae Yburan Ylanan ay nasa ikawalong puwesto na may rating na 91.40 percent, habang nasa ika-10 naman si Kent Vincent Cuizon Alburan ng University of San Jose-Recoletos (USJR) na may rating na 91 percent.

Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Biyernes, Mayo 20, na 46.9 porsiyento lamang o 48,005 sa 102,272 kumukuha ang nakapasa sa pagsusulit na ibinigay noong Marso 19, 2023.

Mayroon ding anim na nagtapos mula sa dalawang state-run universities sa Cebu na nakapasok sa top 10 ng katatapos na LET para sa elementarya.

Si Fritzie Mae Sarona Unabia, nagtapos sa Cebu Technological University (CTU) Argao campus, ay unang pumuwesto sa licensing examinations matapos na makakuha ng 92.20 percent.

Ang CTU Carmen graduate na si Vaniza Dayon Entero at ang CTU Moalboal graduates na sina Chabelita Gallarde at Ariadne Anne Aniñon Vilvestre ay nagsalo sa ikawalong puwesto na may rating na 90.80 percent.

Sina Jastine Abellanosa Locaylocay ng CTU main campus at Erika Cardine Navarra Mendoza ng CNU ay parehong nasa ika-10 na may 90.40 percent rating.

Ayon sa PRC, 24,819 o 40.7 percent lamang ng 60,896 examinees ang nakapasa sa LET para sa elementary level.

Hindi pa inaanunsyo ng PRC ang detalye ng oathtaking ceremony para sa mga bagong guro.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe