Ayon sa inisyal na ulat ng mga awtoridad sa Negros Oriental nitong November 5, 2025, umabot na sa walo ang nasawi habang 18 naman ang nawawala sa Canlaon City matapos manalasa si Bagyong Tino sa buong Negros Island Region.
Patuloy pa rin ang isinagawang mga search and retrieval operations sa pangunguna ng Negros Oriental Police Provincial Office katuwang ang LGU ng Canlaon City at ng iilang mga volunteer groups.
Samantala, tuluyan ng umalis si Bagyong Tino sa NIR at iba pang bahagi ng Visayas at kasalukuyan ng nasa bahagi ng Rehiyon 4B kung saan nagdala rin ng matinding ulan at pagbaha sa iilang mga lalawigan sa rehiyon particular na sa Palawan.
Nanawagan naman ang mga awtoridad sa Canlaon City sa publiko na makipagtulungan sa kanila sakaling makita na o may alam na karagdagang impormasyon sa mga nawawalang residente sa lungsod sanhi ng pananalasa ni bagyong Tino.