Thursday, January 23, 2025

HomeNational News8 NPA-cleared barangay sa Negros Occidental, nakatanggap ng Php32M para sa mga...

8 NPA-cleared barangay sa Negros Occidental, nakatanggap ng Php32M para sa mga proyekto

Isabela, Negros Occidental- Tinatayang nasa Php32 Milyong halaga ng proyekto ang natanggap ng walong (8) insurgency-cleared barangay sa bayan ng Isabela sa Negros Occidental sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon pa kay Mayor Irene Montilla, nitong Oktubre 5 nakatanggap siya ng abiso mula kay Regional Director Juan Jovian Ingeniero ng Department of the Interior and Local Government, Western Visayas (DILG-6), kaugnay sa pondong ibinigay sa Local Government Unit’s (LGU).

Ang mga benepisyaryong barangay ay ang Cabcab, Libas, Makilignit, Mansablay, Riverside, San Agustin, Sebucawan, at Sikatuna, na makakatanggap ng Php4 milyon bawat isa.

Ang barangay ng Cabcab, Makilignit, Riverside, San Agustin, at Sebucawan ay inilaan ang Php4 milyon sa pagpapaayos ng kani-kanilang farm-to-market roads.

Samantala ang Libas at Sikatuna naman ay naglaan ng Php2 milyon para sa konstraksyon ng kanilang Daycare Center at Php2 milyon naman para sa solar electrification projects, habang ang Barangay Mansablay ay naglaan ng Php4 milyon para sa solar electrification.

Siniguro naman ni Mr. Eduard Lutao, Municipal Local Government Operations Officer, na masisimulan ang proseso ng proyekto nitong buwan ng Oktubre para matapos ang proyekto at magamit na ng mga residente bago matapos ang taon.

Ang Barangay Development Program ay hallmark program ng NTF-ELCAC na may layuning ihatid ang progreso sa lahat ng mga dating conflict-prone communities, o mga insurgency free barangay.

Sa ilalim ng programa, lahat ng insurgency-cleared barangay ay inaasahang makakatanggap ng pondo para sa konstraksyon ng farm-to-market roads, classrooms, water at sanitation systems, health stations, at implementasyon ng mga livelihood project.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe