Saturday, January 25, 2025

HomeNews8 bariles ng iligal na ibinebentang diesel, nasamsam; 4 arestado

8 bariles ng iligal na ibinebentang diesel, nasamsam; 4 arestado

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na tao at nasamsam ang walong bariles ng iligal na pinabebentang gasolina sa isang operasyon sa Compostela, Cebu noong Miyerkules, Hunyo 1, 2022.

Ayon kay Special Investigator Bienvenido Panican, ng NBI Cebu District Office-Mandaue City Executive Office Operation, nasa Php130,000 ang halaga ng walong bariles ng diesel ang nasamsan sa isang compound sa Barangay Canamucan, Compostela, Hilagang Cebu.

Arestado sina Dexter Pasaol, 38, may-ari ng compound; Orlando Opon, 43, ang in-charge; Joseph Opon, 23, pamangkin ni Orlando; at Jonas Bantawig, 49.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, ang mga bariles ng gasolina ay itinapon sa compound sa pamamagitan ng mga fuel truck mula sa direktang supplier.

Dagdag pa ni Panican na iligal na ibinebenta ang nasamsam na diesel fuel sa halagang Php65 kada litro nang walang kaukulang permit. Kasalukuyang nasa Php85 kada litro ang presyo ng diesel sa mga gasoline station.

Dapat aniyang makakuha ng certificate of compliance (COC) ang mga indibidwal mula sa Department of Energy (DOE) para makapagbenta ng mga produktong petrolyo.

Pinaalalahanan ni Panican ang mga mamimili laban sa pagbili ng mga ilegal na ibinebentang produktong petrolyo, na sinasabing ito ang pinakakaraniwang sanhi ng sunog sa makina.

Binalaan din niya ang mga mamimili na naakit sa mababang presyo, na ang paggamit ng adulterated o less concentrated na gasolina ay isang panganib sa mga makina ng sasakyan, dahil maaari itong magdulot ng matinding pinsala sa mga sasakyan at magiging madaling sumabog.

Saad pa niya na ang gasolina na nasamsam noong Miyerkules ay naka-imbak sa mga lalagyan na hindi maayos at selyado, at madaling mahalo sa tubig-ulan at iba pang mga particle.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Pasaol, sa isang panayam sa media, na mayroong direktang supplier. Kinukuha lang daw nila ang mga natira sa mga hose ng mga fuel truck na dumadaan sa highway malapit sa kanyang compound. Diesel lang aniya ang binebenta nila, hindi ibang produkto.

Ang bawat isang bariles ay naglalaman ng humigit-kumulang 200 litro ng diesel, at nakatakdang ibibigay sa stock center ng DOE sa Naga, Cebu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1865, o ang pagbabawal sa iligal na kalakalan ng mga produktong petrolyo.

SOURCE| https://www.sunstar.com.ph/article/1930812/cebu/local-news/8-barrels-of-illegal-sold-diesel-seized-4-arrested

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe