Tuesday, January 7, 2025

HomeNews8 Barangay sa Talisay ang drug-cleared na

8 Barangay sa Talisay ang drug-cleared na

Walong barangay sa Talisay ang idineklarang drug-cleared, ani Mayor Gerald Anthony Gullas Jr. noong Huwebes, Hulyo 27, 2023.

“I was happy to know that Lawaan 1 has been designated as a new drug-cleared barangay, bringing our total to eight,” ani Gullas.

Ang pitong barangay na dati nang idineklara bilang drug-cleared ay ang Tapul, Camp 4, Jaclupan, Biasong, Maghaway, Candulawan, at Manipis.

Sinabi ni Gullas na naging matagumpay at epektibo ang “Oplan Limpyo Talisay,” kung saan nagsasagawa sila ng iba’t ibang programa, kabilang ang Out-patient Rehab and Aftercare Program, dahil sa mga nakikitang reseulta.

“With this development, our Oplan Limpyo Talisay is proving to be effective… It is also because kitang tanan nang tinabangay para mulambo sa ating komunidad,” saad nito.

Isa sa mga layunin ng Talisay City Out-patient Rehab and Aftercare Program ay ang pangmatagalang pagtulong sa mga nalulong sa droga.

Sinabi ni Gullas na umaasa siyang makikipagtulungan ang ibang mga lugar at magsusumikap na italaga ang kanilang barangay bilang drug-cleared.

Ang Talisay City ay mayroong 22 barangay.

“Padayon lang ta Talisaynon,”saad ni Gullas habang hinimok ang kanyang mga kasamahan sa paglaban sa iligal na droga.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe