Thursday, November 7, 2024

HomeNews7th Run Against Contribution Evaders (RACE), isinagawa ng SSS

7th Run Against Contribution Evaders (RACE), isinagawa ng SSS

Inilunsad ng Social Security System (SSS) sa Iloilo ang ika-7 na Run Against Contribution Evaders (RACE) sa mga establisyemento na hindi nakapagbigay ng tamang kontribusyon.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay suriin at bigyang-pansin ang mga lapses sa pagtugon ng mga establisyemento sa kanilang kontribusyon sa SSS.

Naglibot sa lungsod ng Iloilo ngayong Martes, ika-7 ng Mayo, 2024 ang mga miyembro ng SSS upang isagawa ang RACE sa mga establisyemento.

Sa pamamagitan ng paglilibot sa iba’t ibang lugar, nais matiyak ng SSS na ang lahat ng mga negosyo ay sumusunod sa kanilang obligasyon sa paghuhulog ng tamang kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.

Sa kasalukuyang taon, umabot na sa 35 ang bilang ng aktibidad ng RACE na isinagawa ng SSS sa buong rehiyon.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad, inaasahan ng SSS na mapanatili ang tamang implementasyon ng kontribusyon mula sa mga establisyemento upang mapanatili ang benepisyo ng mga miyembro nito.

Source: Panay News

Panulat ni Justine Mae Jallores

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe