Ang Police Regional Office-Central Visayas ay nakiisa sa paggunita sa National Blood Donor’s Month nitong Lunes, Hulyo 11, 2022.
Animnapu’t pitong pulis ang nag-donate ng dugo sa isinagawang blood-letting activity nitong Lunes sa pakikipag-ugnayan ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng Police Brigadier General Roque Eduardo Dela Peña Vega, ang buwan ng Hulyo ay National Blood Donors Month.
“In cooperation and partnership with DOH, this is a program where police personnel can voluntarily donate their blood,” ani Peralta.
“Alam natin na dugo ang nagbibigay buhay. Ito ay magbibigay ng pag-asa lalo na sa ating mga kababayan na kapus-palad,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Peralta na ang DOH ang siyang pipili kung sino ang makikinabang sa mga dugo, ngunit tiniyak nito na ibibigay ito sa mga kapos-palad, o sa mga walang kakayahan na makakuha ng supply mula sa mga blood bank.