Tuesday, December 24, 2024

HomeNational News64% ng mga Pinoy, tiwala kay PBBM

64% ng mga Pinoy, tiwala kay PBBM

Karamihan pa rin sa mga Pinoy ang nanininiwala sa kasalukuyang administrasyon sa pamamahala ni President Ferdinand R Marcos Jr, iyan ay ayon sa survey na inilabas ng OCTA Research nito lamang Miyerkules, February 15, 2024.

Ang naturang Tugon sa Masa Survey ay isinagawa mula December 10 hanggang 14 noong nakaraang taon, kung saan 64% percent sa mga Pilipino ang nagsasabing nasa tamang direksyon at pamamahala ang bansa base sa mga polisiya at programa na ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon, habang nasa 21% percent naman ang hindi naniniwala.

Matatandaang noong October 2023, naglabas din ng parehong survey ang OCTA Research kung saan nasa 62% percent lamang ang positibong tumugon, di hamak na mas mababa ng dalawang porsyento kompara sa kasalukuyan.

Sa mga pangunahing lugar sa bansa, pinakamataas ang porsyento sa mga Pinoy ang naniniwala sa Pangulo ay mula sa Metro Manila na nakakuha ng 81%.

Batay naman sa socioeconomic class, tinatayang karamihan sa Class A, B at C ang nakapagtala ng pinakamataas na porsyento ng positibong reaksyon kung saan nakakuha ng 76% percent habang 38% percent naman sa ilalim ng Class E ang may negatibong reaksyon sa kasalukuyang administrasyon.

Ang naturang survey ay isinagawa ng OCTA Research sa 1,200 mga respondent mula sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe