Friday, January 17, 2025

HomeNews63 na pares, nagpakasal sa mass wedding sa bayan ng Leyte

63 na pares, nagpakasal sa mass wedding sa bayan ng Leyte

Carigara, Leyte – Ngayong Love Month, hindi bababa sa 63 na pares ang nagpalitan ng ‘I Dos’ sa isang civil mass wedding na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Leyte noong Huwebes, Pebrero 9, 2023.

Sinabi ni Mayor Eduardo Ong Jr., na nangasiwa sa kasal, na ang lokal na pamahalaan ang siyang bahala ng mga gastusin para sa seremonya maliban sa Certificate of No Marriage na kailangang makuha ng mag-asawa mula sa Philippine Statistics Authority.

“Karamihan sa mga mag-asawang ito ay nabubuhay nang magkasama sa loob ng maraming taon at karamihan sa kanila ay may mga anak na. Kaya tama lang at deserving na gawing opisyal,” sabi ni Mayor.

Bukod sa libreng tanghalian, bawat isa sa mga mag-asawa ay nakatanggap ng isang espesyal na regalo mula sa Local Chief Executive.

Maluha-luha ang labing siyam na taong gulang na sina Joy Bayani at Joshua Rondina, ang pinakabatang mag-asawa sa grupo, nang sila ay tuluyang ipahayag bilang mag-asawa.

Sinabi ni Joy na hinintay nila ang mass wedding dahil halos apat na taon na silang magkasama at may dalawang anak.

“Nagpapasalamat kami kay Mayor dahil tinanggap pa nila kami kahit late na kami. Akala namin hindi kami makakarating dahil sa ilang mga problema ngunit ngayon ay narito na kami at ikinasal,” sabi ng mag-asawa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe