Thursday, November 7, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News61 Rebeldeng komunista, sumuko sa Bohol

61 Rebeldeng komunista, sumuko sa Bohol

Bumalik na sa saklaw ng batas ang isang grupo ng mga dating rebelde sa lalawigan ng Bohol.

Animnapu’t isang dating rebelde ang nagpakita sa kapitolyo ng probinsya sa Tagbilaran City noong Miyerkules, Oktubre 18, kung saan nagpahayag sila ng kanilang katapatan sa gobyerno.

Ikinatuwa naman ni Gov. Erico Aristotle Aumentado ang desisyon ng mga dating rebelde na sumuko.

Nanumpa ng katapatan ang mga sumuko bilang bahagi ng joint meeting ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council.

“Sobrang saya ko na 61 CPP (Communist Party of the Philippines)-NPA (New People’s Army)-NDF (National Democratic Front) members ang sumuko sa atin ngayon. We thanked them for trusting our administration,” ani Aumentado.

Si Aumentado, na kasama ni Vice Gov. Dionisio Victor Balite, ang nanguna sa panunumpa ng katapatan na sinaksihan ng mga miyembro ng dalawang konseho.

Napag-alaman sa pagpupulong na ang mga sumuko ay bahagi ng hindi bababa sa 10 organisasyong masa.

Ang mga nagbalik loob ay mga dating miyembro ng Bol-anong Artista na May Diwang Dagohoy (Bansiwag), Bol-anong Kahugupgan ng Kilusang Mungiisda (Bokana), Sandigan sa Bol-anon Kabababayen-an mag yuma ug Mungiisda (Sabakan), Hugpong Mag- uumang Bol -anon (Humabol), Talibon Trinidad Integrated farms (Humabol-TTFA), at Youth for the Development of the Nation (Kapakanan).

38 ay mula sa Trinidad, 10 mula sa Candijay, 5 mula sa Mabini, 2 mula sa Bilar, 2 mula sa Catigbian, at tig-isa mula sa Alicia, Guindulman, at Talibon.

Sinabi ni Mita Tecson, Hepe ng Office of Provincial Social Welfare, na dalawa ang dating aktibong miyembro ng Bohol Party Committee ng underground movement at nag-turn over ng caliber .38 revolver sa mga awtoridad.

Mamimigay ang pamahalaang panlalawigan ng tig-P10,000 sa mga sumuko upang ipakita ang kahandaan ng pamahalaan na tulungan silang magsimula ng bagong buhay.

Umaasa sina Aumentado at Balite na sa kanilang pagbabantay, tuluyan nang matatapos ang insurhensiya sa lalawigan na kumitil sa buhay ng maraming residente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe