Wednesday, December 25, 2024

HomeNews61 pasahero ng barkong MV Reina Hossana, nailigtas!

61 pasahero ng barkong MV Reina Hossana, nailigtas!

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang 61 na pasahero at tripulante ng MV Reina Hossana sa dagat ng Sitio Sagaosawan, Barangay 1, Capul, Northern Samar, bandang 9:40 ng gabi, Pebrero 11, 2024.

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, ang barko ay mula sa Matnog, Sorsogon at ito ay patungo sana sa Allen, Northern Samar.

Nang makarating sa dagat ng Capul, nagkaroon ng problema ang makina ng barko at naanod ito sa mababaw na bahagi ng dagat dahil sa malakas na hangin.

Nakasakay pa rin sa barko ang 16 na mga light vehicles, isang elf, isang forward, isang trailer, at walong 10-wheeler truck.

Ligtas naman ang lahat ng lulan ng barko mula sa insidente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe